Hindi bahagi ng Boehringer Ingelheim-Website o ng Boehringer Ingelheim-Intranet ang application na ito

Boehringer Ingelheim Corporate Center GmbH

Pagsunod (Compliance) - Speak Up!

Determinado kami na makipagnegosyo nang may integridad at sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon. Ang pangakong ito ay suportado ng Pamantayan ng Paggawi ng Boehringer Ingelheim.

Maaaring malaman mo ang mga aksyon o pag-uugali na hindi kaayon ng ating pangako, tulad ng paggawa ng masama, masamang asal, kahina-hinalang gawain, o paglihis sa patakaran at pamamaraan. Sa kasong ito, hinihikayat ka naming mag-"Speak Up".

Kung empleyado ka ng Boehringer Ingelheim, maaari mong iulat ang iyong alalahanin sa iyong line manager, Local Compliance Officer, HR department o sinumang ibang manager na responsable para lugar kung saan nangyari ang aksyon o gawi.

Kung hindi ka komportable sa direktang pakikipag-ugnayan sa mga tao o kung ang iyong mga pagtatangka ay hindi nagbunga ng resulta, kami ay nagbibigay ng “Speak Up” portal na ito. Ang web portal ay ibinigay ng third party vendor na walang access sa mga nilalaman o anumang datos tungkol sa iyo o sa iyong report.

Bilang karagdagan sa lahat ng empleyado ng Boehringer Ingelheim, bukas ang portal na ito sa sinumang third party na gustong mag-report ng potensyal na paglabag sa mga batas, regulasyon, o ating Pamantayan ng Paggawi.

Hinihikayat namin ang mga user ng “Speak Up” portal na ibigay ang kanilang pangalan, pero kung gusto mong manatiling hindi nagpapakilala, hindi ito kukunin ng system.

Ipinagbabawal na sadyang magsumite ng hindi totoo o mapanirang-puring impormasyon, o pagsusumite ng mga report na may akusasyon o pagtuligsa na walang batayan. Ang mga uri ng mensahe na ganito ay hindi pinahihintulutan at maaaring sampahan ng kaso, hiling sa karapatang sibil at parusa ayon sa batas ng pagtatrabaho.

Bakit kailangan kong magsumite ng report?
Anong uri ng insidente ang maaaring iulat?
Maaari rin ba akong mag-ulat nang hindi nagpapakilala?
Ano ang proseso para sa pagsusumite ng isang report? Paano ako makakapag-set up ng report?
Paano ako makatatanggap ng feedback at manatiling walang pagkakakilanlan nang sabay?
Saan ko mahahanap ang mga tuntunin ng pamamaraan para sa mekanismo ng pagrereklamo ng Boehringer Ingelheim alinsunod sa German Supply Chain Due Diligence Act?