Merck KGaA, Group Compliance Office

Pagsunod (Compliance) - Magsalita

Minamahal na whistleblower,

Para sa amin, ang ibig sabihin ng responsableng pamamalakad ng negosyo ay: pagbabantay, pakikinig, pagiging mas mahusay. Iginagalang namin ang mga interes ng aming mga empleyado, costumer, stakeholder, pati na rin ang sa lipunan – ito ang paraan kung paano namin natitiyak ang pangmatagalang tagumpay ng aming kompanya. Nakaayon ito sa estratehiya ng aming kompanya at ng aming kodigo ng gawi.

Kung mayroon kang matibay na impormasyon na kami ay hindi sumusunod sa pamantayang ito at may nakita kang gawain na lumalabag sa mga prinsipyo ng aming kodigo ng gawi, aming panloob na mga tuntunin, o kahit ng mga batas, hinihiling namin sa iyo na ibahagi ang impormasyong ito sa amin at aktibong tumulong sa imbestigasyon. Tumutulong din ito sa amin na maayos na harapin ang mga problema at maiwasan ang malubhang pinsala.

Ito rin ay nalalapat sa impormasyon tungkol sa mga karapatang pantao at partikular na mga panganib o paglabag sa aming kompanya at sa aming supply chain. Dedikado ang aming kompanya na tiyakin na walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao sa aming Grupo ng mga kompanya, mga supplier at kasosyo sa negosyo, at na kikilos kami para sa pagpapabuti ng mga kalagayan kung matukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Ikaw ay taos-pusong iniimbitahan na i-report ang iyong mga alalahanin sa amin sa pamamagitan ng pagsulat sa portal na ito o sa pamamagitan ng pagtawag. Kung gusto mong manatiling anonymous at ayaw mong ibahagi sa amin ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, hinihiling namin sa iyo na mag-set up ka rin ng isang naka-secure na postbox at regular itong tingnan. Magagamit namin ito upang makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng sulat, magtanong ng higit pang tanong na mahalaga para sa imbestigasyon, at para maipaalam sa iyo ang nangyayari sa imbestigasyon.

Napakahalaga sa amin ng iyong proteksyon bilang isang whistleblower, at nagbibigay kami sa iyo ng platform para sa komunikasyon para sa pagsusumite ng mga report, na protektado ng mga pinakabagong teknolohiya. Mananatili kang anonymous sa lahat ng yugto ng proseso, kabilang ang iyong pakikipag-usap sa amin, kung gusto mo.

Gusto naming patiunang pasalamatan ka sa iyong pagtulong!

Paano gumagana ang isang report, paano mag set-up ng postbox?
Paano ako makakuha ng sagot at mananatiling anonimo?
Higit pang impormasyon sa pagsusumite ng mga report at ang Compliance Hotline